TODAY: MAY 20, 2012
San Jose City, Nueva Ecija's City Mayor

City Mayor's Message

Welcome to the San Jose City Official Website, your window through our city's journey to development.

As the 42nd chartered city in the Philippines, this city dubbed as a "city at the crossroads" is now fast gaining inroads towards what our people aspire to be a progressive, clean, peaceful, economically developed, safe and livable city.

We invite you to experience the unfolding of events and the results of our people's concerted effort to implement valuable programs. Witness how we strive to rise above limitations and become a center for trade, culture and the arts and agro-industrial development.

As you browse through the pages, hesitate not to share your comments and views because we believe it will make us better.

MARIVIC V. BELENA
  Recent News
PWD, Nakapag-uwi ng Gintong Medalya sa 2012 PSC-PHILSPADA

Nakapag-uwi ng gintong medalya ang isang San Josenian na may kapansanan o person with disability (PWD) na si Regino Cariaga Dullas, Jr., 28 anyos mula sa  Brgy. Sto. Nino 1st sa kategorya ng Power Lifting sa katatapos na 1st PSC-PHILSPADA National Games nitong Pebrero 1-7, 2012 sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Si Dullas ay may kapansanang cerebral palsy ngunit sa kabila nito ay kanyang itinaguyod ang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang working student. Siya ay kumukuha ng kursong computer technician sa National Vocation Rehabilitation Center (NVRC) sa Quezon City at sa gabi naman ay natitinda siya ng balot. Hinikayat siya umano ng kanyang mga guro sa NVRC na sumali sa isports dahil sa nakitang potensyal niya sa larangan ng palakasan, kaya naman sa kabila ng kanyang kapansanan ay isang buwan siyang nagsanay. “Sa mahigit na isang buwan na pagsasanay ay natutunan ko ang disiplina at respeto sa sarili, focus sa aking ginagawa, lakas ng pangangatawan at higit sa lahat nakita ko na lahat ng aking ginagawa ay hindi lamang para sa aking sarili kundi para sa aking pamilya. Hindi po ako umiinom ng energy drinks at bitamina, tanging lakas mula sa Diyos ang aking pinaghuhugutan at inspirasyon mula sa aking pamilya”, pahayag ni Dullas.

Muling sasabak si Dullas ngayong Marso 25-26 para naman sa 2012 Paralympic Games para sa mga atletang may kapansanan. “Hinihikayat ko ang mga tulad ko na may kapansanan na magkaroon sila ng direksyon ang buhay kung desidido sila na maabot ang kanilang mga pangarap”, dagdag pa ni Dullas.