Ang bright child ay malusog, may talino’t wastong asal, Maliksi at matulungin sa bahay at paaralan Siya’y ligaya ng magulang na lagi niyang kaagapay, At sa araw na darating, siya’y pag-asa nitong bayan.
Kaylangan ng isang bata:mapagmahal na aruga; Kaylangan niya ng kalasag sa panganib at sakuna; Kaylangan niya ng magulang, mga gurong uunawa, Susubaybay, magtuturo, gagabay at kakalinga.
Bawat buhay mahalaga, dito sa’ting sansinukob; Bawat sanggol na sumilang ay biyaya na kaloob Kaya dapat alagaan, ikandili at ikupkop, Imulat sa kabutihan, pag-ibig at takot sa Diyos.
Bright child sana’y tangkilikin,itaguyod nating lahat, Upang maging maginhawa’t maayos ang kanyang bukas; Akayin siya sa liwanag, sa payapa’t tamang landas; Bright child ang kikilos, upang bayan ay umunlad.
|