Home | Profile | City Hall | Services | Projects | News & Gallery Events | CDS | ASB | Contact Us | Guestbook
Details
Sandalan
(by Richard Bordon  11/3/2008)

Sa panahong aking kinamulatan
Ay kung saan, modernong kabataan
ay nalilito sa nais paroonan
Pagkat tunay ngang napakaraming hadlang.

Barkadahan at samahan ay nariyan
Na sa halip sanang kabutihan
Ay kasamaa’t kapahamakan lamang
Ang tanging dulot sa halos karamihan.

Nariyan din mga modernong kagamitan
Na kung paggamit at pagbubutihin lang
Natitiyak ko sa bawat isa
Ay malaking katulungan.

Isa pang malaking hadlang ang mga bisyo
Sa lansanga’y nangagkalat ngang totoo
Sa ati’y walang dulot na mabuti
Kundi pagsisisi lamang sa huli.

Sa ganitong hamon sa ating buhay
Saan pa nga ba tayo makasasandal?
Kundi sa isang pamilyang mapagkalinga
At kabutihan natin ang hangad sa tuwina.


| Share |

 


Maharlika Hi-way, San Jose City
Nueva Ecija, Philippines
email: info@sanjosecity-ne.gov.ph