Home
|
Profile
|
City Hall
|
Services
|
Projects
|
News
&
Gallery
Events
|
CDS
|
ASB
|
Contact Us
|
Guestbook
Details
Subsidiyo sa pataba, ipinamahagi
TULONG SA MAGSASAKA.
Abala sa pamamahagi ng subsidiyo sa pataba ang mga kawani ng D.A.
May 3,010 magsasaka ang nakatanggap na ng mga “discount coupon” na ipinamahagi sa lungsod, sa ilalim ng programa para sa subsidyo sa pataba ngayong tag-ulan. Bawat magsasaka ay tumanggap ng 1-10 na kupon depende sa laki ng lupang sinasaka at ang bawat kupon ay katumbas ng P250.00 na diskwento sa pagbili ng anumang klase ng patabang gagamitin sa kanilang bukirin.
Mula nang ilunsad ang programa noong Hulyo 17, patuloy hanggang ngayon ang pamamahagi sa natitira pang 1,460 kupon at ang sinumang nais makakuha nito ay maaaring makipag-ugnayan sa agricultural technician sa kanilang barangay upang malaman kung sila ay nasa masterlist ng Tanggapan.
Ang pamamahagi ng mga kupon ay naaayon sa programa ng Pambansang Kagawaran sa Agrikultura na sinuportahan ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng paglaan ng P3,000,000.00 pondo para dito. Gayunpaman, dahil sa sobrang taas ng presyo ng pataba sa kasalukuyan, na umaabot na sa P1000.00 (Sulfate)hanggang P2,200.00 (0-0-60), marami pa sa mga kupong natanggap ng bawat magsasaka ay hindi nila magamit dulot ng kakulangan ng pera.
|
Share
|
Maharlika Hi-way, San Jose City
Nueva Ecija, Philippines
email: info@sanjosecity-ne.gov.ph
Powered by:
Aqua-Arts Computer Center