#NEWS AND EVENTSJUNE 19, 2018



Tondod, may Potable Water Sytem na rin

June 14, 2018 | View on Facebook


Patuloy na umaarangkada ang proyketong Potable Water System ng Lokal na Pamahalaan.

Nitong Miyerkules, Hunyo 13, nagsimula nang dumaloy ang malinis na tubig sa San Raymundo, Brgy Tondod, tungo sa tahanan ng mga mamamayang dati’y hirap makakuha nito.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang handover kasama ang ilang opisyal ng barangay.

Ito na ang pang-anim na POWAS na naitayo ng Lokal na Pamahalaan sa mga liblib na lugar.

Sa mga susunod na araw ay papasinayaan naman ang mga Potable Water System sa Brgy A. Pascual at Abar 2nd.

Asahan naman ang patuloy na paghahatid ng proyektong ito sa iba’t iba pang barangay sa lungsod.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image