#NEWS AND EVENTSAPRIL 23, 2018



Roper Hardware, kampeong muli sa Basketball League

March 20, 2018 | View on Facebook


Nagpasiklaban sa hard court ang 14 na koponan sa lungsod sa isinagawang 3rd Mayor Kokoy Salvador Inter-Commercial Basketball League ngayong first quarter ng taon.

Muling itinanghal na kampeon ang Roper Hardware nang makalusot ito sa mahigpit na laban at magtala ng puntos na 85-84 kontra Green Heart.

Matatandaang noong isang taon ay isang puntos lamang din ang lamang ng Roper Hardware sa kalaban nang masungit nito ang kampeonato.

Nagwagi naman ang FC Martinez bilang 2nd runner-up sa pagtatala ng puntos na 101 kontra Tri-Wheel na may 77 points.

Tinanghal na Most Valuable Player si Darryl dela Cruz na nakagawa ng 18 puntos para sa Roper Hardware.

Layunin ng liga na mabigyang pansin ang sports sa lungsod at magkaroon ng aktibong libangan at kompetisyon ang mga manlalaro, ayon na rin sa adbokasiya ng Punong Lungsod para sa lahat ng sektor ng mamamayan.

Pinarangalan at ginawaran ng cash prize at trophy ang mga nanalo sa Pag-asa Sports Complex noong Marso 16.


Photos

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image